Masayang masaya ako noong naging kakilala kita. Madalas kitang yayain, gumala at magkwentuhan dahil gustong gusto kita laging kasama. Sayo lang ako naging ganto kasaya dahil kampante akong kasama ka. Gusto kong mahulog ang loob mo sa akin dahil umpisa pa lang ay minahal na kita.
Naging madalang tayo magklita, dahil busy ka sa thesis mo. Alam kong kaya mo yan at alam kong pagbubutihan mo yan. Napapadaan ako sa inyo ngunit nasa school ka pa nga daw. Hindi naman kita maitext dahil baka maka istorbo pa ako, buti na lang at tumawag ka noong oras na yun atleast nalaman kong hindi ka busy. Niyaya mong magkita tayo, labis labis yung ngiting nadama ko. Todo porma at pabango ako noon para naman mapansin mo ako.
Malayo pa lang tanaw na tanaw na kita, kaya naman agad agad kitang ginulat. Namiss talaga kita, ang dami nating napag usapan dahil halos matagal na rin pala tayong di nakakatambay. Kaya lang ang daming istorbo nung oras na yun, napuna mong text ako ng text.
“Sino ba katext mo?”
“Yung nililigawan ko, sana sagutin na ako.”
Kinilig ako nun dahil parang nagseselos ka kaya naman yun yung sagot ko. Pero sa katunayan niloloko lang kita nun para pagselosan ka, para malaman kong may pagtingin kana rin sa akin. Mga tropa ko katext ko katext ko noon dahil kinukulit nila akong maglaro, pero mas ginusto kong ikaw ang makasama sa gabing iyon ng magdamag kaya pinatay ko ang cellphone ko pagkatapos ko silang tanggihan.
Naging busy ako ng sumunod na araw dahil may liga akong sinalihan, tinitext kita kaya lang di mo ako nireplyan.
Championship game, tinext kita. “Yes! Ang saya ko dahil kami na….. Ang panalo!” Pero nakakapagtaka dahil hindi mo na talaga ako nirereplyan. Sumubok din akong tawagan ka para sabihin sayo at ipagtapat ang nararamdaman ko para sayo, kaya lang di mo pa rin sinagot ang tawag ko magdamag.
Ilang araw na rin ang nakaraan, hindi tayo magkatagpo. Lagi ka raw wala sa inyo, di mo sinasagot ang mga text at tawag ko. Iniiwasan mo ba ako? May nagawa ba ako sayo? Umaasa akong magkikita tayo, kaylangan mong malaman ang nararamdaman ko para sayo. Hihintayin kita, gusto kong malaman mo minahal na kita umpisa pa lang na makikilala kita.
Umaasa,
B.
Medyo matagal na ring panahon magsimula noong nakilala kita. Madalas tayong mag-usap, gumala. Madalas ka din mag share ng kwento at pati problema ay napag uusapan na rin natin. Halos naging bestfriend mo na nga ako sa dumaan na panahon. Sa di ko sinasadya ay minahal na nga kita.
Kakatapos lang ng thesis namin, hindi tayo madalas magkita ngayon dahil hindi tayo nag kaka-abutan. Tinext kita, hindi ka nag re-reply. Tinawagan na kita para kamustahin ka, buti sinagot mo. Yes! Magkikita kami, nakakamiss tumambay.
Ginulat mo ako at kinamusta, halos madami tayong napagkwentuhan kaya lang sobrang busy mo sa katext mo.
“Sino ba katext mo?”
“Yung nililigawan ko, sana sagutin na ako.”
Lumungkot ako ng malaman kong may nililigawan ka na. Di natayo madalas magkita dahil madalas mong kasama ang nililigawan mo, di na rin kita tinext dahil baka naiistorbo na kita.
“1 message received.” Nagtext kang masaya ka, at biglang tumulo luha ko. Muka ngang masaya kana talaga sakanya. Namimiss na kita. Sana ako na lang. Sana ako na lang mahalin mo..
Halos magdamag din akong umiyak, kahit na alam kong wala naman akong karapatan. Sana nasabi ko man lang kung ano yung nararamdaman ko. Kaya naman umiwas na lang ako dahil mukang masaya ka naman sa kanya. Mas mabuti pang itago ko na lang ang nararamdaman ko hanggang sa mawala ang lahat ng to. Mananatili pa rin akong kaibigan mo, tandaan mo lang na andito pa rin ako. Siguro sa ngayon ay lalayo muna ako para maibsan yung sakit na nararamdaman ko.
Paalam,
Y.

Unang pasukan sa eskwela ng makilala kita at nasa ikalawang baitang pa lang tayo noon, pero tumibok na agad ang puso ko sayo. Binato agad kita ng lukot na papel non hanggang sa lagi na nga kitang inaasar at inaaway nun. Gusto ko kasing mapansin mo ko, ang cute cute mo pa nga nun pag nagagalit ka sakin. Madalas kang mapikon kaya naman nahahampas mo na ko. Pero ayos lang sakin yun, dahil mas lalo kitang minamahal sa ginagawa mo. Lumipas ang maraming taon na paulit ulit lang ang pang aasar ko sayo, hanggang sa heto na nga at ga-graduate na tayo ng elementary. Tuloy pa rin ang pag ibig ko sayo, mas lalo kitang hinangaan ng tinawag ka sa stage bilang aming valedictorian. After ng ceremony, tinawag agad kita upang batiin, nung oras na yun hindi kita maasar dahil gusto ko sana magtapat na sayo. Pero nauna kang magsalita at sinabi mong sa Maynila kana magpapatuloy ng pag aaral mo, gumuho ang paligid ko ng marinig ko yung mga yun kaya naman napansin mo agad ang pagkalungkot ko at sinabi mong.. “Mamimiss ko pang aasar mo, magkikita pa tayo ha..” Hanggang sa tinawag ka na ng Mama mo, di ko man lang nasabi sayong.. “Mahal kita, oo magkikita pa tayo..” Nalungkot talaga ako noon, kaya naman binigyan ko ng pansin ang pag aaral ko at sumali rin ako sa Basketball Team para kahit papano ay malibang ako. Ilang taon na rin ang nakakalipas, “Nasaan kana kaya ngayon?”
Graduation day na at ga-graduate akong may award, sana nandito sya para maipagmalaki ko naman sa kanya ang nakuha ko. Miss na miss ko na talaga sya.
Magkokolehiyo na ako, wala pa rin akong balita sa kanya. Kaya naman naglakas loob na kong tanungin ang pinsan nya kung saan sya nag aaral sa Maynila, susundan ko sya. Sa Maynila ko na ipagpapatuloy pag aaral ko, pinayagan naman ako ng magulang ko dahil may kamag anak naman kami dun at dun ako makikituloy. “Sana makita ko na sya..”
Hindi na ako nagbakasyon pumunta agad ako ng Maynila, inayos ko na rin ang pag eenrol ko sa bago kong papasukan. Nagbabaka-sakaling makikita ko na sya.. Lagi akong pumupunta ng school baka sakaling makita ka, halos nakabisado ko na agad ang school bago pa lamang magsimula ang pasukan. Pero hindi ko pa rin sya nakikita, hindi ako susuko dahil malapit na rin naman ang pasukan.
Unang araw ng pasukan kaya naman maaga akong gumising kahit hapon pa ang pasok ko dahil ito na nga ang araw na pinakahihintay ko. Mabagal akong lumakad at nililibot ko ang mata ko sa buong paligid na baka sakaling makita ka. Hindi pa rin kita makita, kaya naman ay nagpahinga muna ako sa ilalim ng puno at ako’y naupo. Naramdaman kong may bumato sakin pero di ko pinansin, sa pangalawang pagkakataon ay may bumato ulit sa akin ng papel at nilingon ko. Nagulat ako at napatulala dahil ang babaeng hinahanap ko, di ko man nahanap pero natagpuan ako. Sobrang saya ko noon dahil sa wakas nakita na kita.
Ang tahi-tahimik ko nun at ikaw naman ang maingay at nag aasar. Parang bumalik yung araw na una kitang nakilala. Pero ngayon ay halos kabaligtaran na dahil ikaw na ang maingay at nag aasar. Mas lalong lumalim yung pagtingin ko sayo at halos lagi na nga kitang kasama. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo. Kelan kaya ako magkakalakas ng loob na paipagtapat sayo kung ano ang nararamdaman ko at masabing. “Mahal kita..”
Gumising ako ng may ngiti dahil makikita na ulit kita. At ng makita kita inaasar mo na naman ako, kaya naman sumumbat agad ako.. “Mahal kita..” Sumagot ka, “Uy, lakas trip mo ah!” , “Hindi. Bata pa lang tayo mahal na kita, lagi kitang inaasar noon para mapansin mo ako. Magtatapat na dapat ako sayo noong araw ng graduation pero umalis kana. Mahal kita.. Hindi nagbago ang pagtingin ko sayo, sinundan pa kita dito para masabi ko sayong.. Mahal na mahal kita..” Niyakap nya ako at sinabing. “Mahal na mahal din kita..”
Sobrang saya ko noong araw na yun dahil natupad din ang pinapangarap ko. Halos araw araw ay ang saya saya natin. Dumaan din tayo sa ups & downs ng relation natin pero hindi tayo bumitaw. Nakapagtapos na rin tayo sa kolehiyo at nakapag trabaho, at patuloy nating minamahal ang isa’t isa. Niyaya na kitang magpakasal at nagsimula na nga tayong magplanong magpamilya. Sadyang napaka bait ng tadhana para sa ating dalawa. Hindi tayo bumitaw hanggang sa dumating na ang araw na pinaka hihintay nating dalawa..
Sa araw ng ating pag iisang dibdib…

(Source: roxannevillaos)

Napanood mo ba to? Kung hindi, panigurado na o-OP ka na sa mga nababasa at naririnig mo sa mga kakilala mo. Nagtrending talaga to sa sambayanang katauhan. Dahil ikaw ay lubos na mahahabag sa nasabing kwento sa MMK, samahan mo pa ng magagaling na aktres kasama ng umuusbong na karera ni Jane.
Sya nga pala si Nene, maganda at hinahangaan ng mga kalalakihan. Kaya naman ay di maiwasan ang may magnasa sa kanya. Tsk. May ilan na ring nagtaka sa kanyang gahasain sya. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, mismong ang kanyang ina ang nagpagahasa sa kanya sa step father pa nya. (This is S***.) Anong rason? Naging tanga kasi sa pag ibig ang nanay nya. Dahil madalas ngang mambabae ang kinakasama nyang Druglord, yes druglord pa. Mas pinili nyang anak na lang nya ang gawing babae ng kinakasama nya. Sinabi pa, “Anak, pumayag na ko. Hayaan mo papakasal kayo ng Papa Raul mo pag 18 kana. Ayaw mo ba nun tayong dalawa lang babae sa buhay nya?” . Madaming nainis sa part na to, maging ako at ng mga kasama ko sa bahay ay nahabag talaga. Anyways, balik ulit tayo. Naulit ng naulit ang pangbababaoy sa kanya. Minsan pa nga ay pinapapanood pa kay Nene ang pagtatalik ng kanyang Ina at ng Druglord na kinakasama nya. Sobrang pambababoy na ito. Wala syang mahingian ng tulong dahil nga Druglord ang kinalaban nya. Hanggang sa natauhan ang kanyang Ina at pinahuli na ang may sala. Nakahinga na si Jane ng maluwag, kinasuhan na may sala. Ilang araw ay nagbalik na naman sa dati ang kanyang ina at pinauurong ang kaso laban kay Raul ngunit, buo ang pasya ni Nene na hindi iurong ang kaso at malakas ang loob nyang haharapin nya ito. Sadyang napaka Tanga ng kanyang Ina dahil maging si Nene ay pinagbabantaan maiurong lang ang kaso, salamat na lang at natawagan nya ang isa sa mga kapatid ng kanyang ina. Ito ang tumulong sa kanya, naka alis si Nene sa kanila sya ay tumira sa kombento. Ilang araw ay nakatakas na rin ang kanyang ina sa takot na makulong din sa bilangguan kasama ng Druglord. Nagpatuloy ang kaso, sya ay nanalo laban ng buhay. Ngunit hindi na mabura ang sakit na kanyang naranasan sa kamay ng mga masasama. Tila peklat na hindi na mabura. Kaya naman sinugatan ni Nene ang kanyang muka pinapanget upang malimutan ang pait na ginawa ng nakaraan. Nagpatuloy ang kaso at patuloy na nakakulong ang Druglord, tinanggalan na rin ng karapatan ang kanyang ina na makalapit sa kanya maging pagiging ina nito sa kanya. Nagpatuloy ang buhay ni Nene matapos ang ilang taong pag ka-counseling. Sya ay nakapag asawa at namuhay ng normal sa bagong buhay na kakaharapin nya.
Paghandaan mong mahabag. This is Reality Men! ;)



