Hi! I'm ROX Ü
I do believe in Fairies.

--
From Philippines. Awesome since 1992. A God's follower. Extraordinary, weird & funny.

|

start clicking..


Ask Something? ;)

Blog Directory for the Philippines
Humor - Top Blogs Philippines
Proudly Pinoy!

roxannevillaos©

Ang dami ko na palang nakaligtaan, halos naging busy kasi ako sa pagtatrabaho ko. Pero heto at babawi ako kasi tutal isang buwan na kong nagtatrabaho, medyo madami dami na rin akong bagay na nasaksihan at gusto ko talaga ito ikwento.

Pero paano ko nga ba sisimulan?..

(Source: roxannevillaos)


Reblog

Kinda busy at work. But oh! I gained followers! Hello everyone! Keep safe, lalo na ngayon na ang lakas talaga ng ulan. Kamusta naman kayo? Ingat po tayo. Bukas babaha ng posts ko. :)

(Source: roxannevillaos)


Reblog
See you again soon, July.

I’m gratefully thankful for this month. Super blessed & super napalapit talaga ko kay God. And I also got an awesome experiences from which I enjoy it a lot! :)

Anniversary - Thanks again July. Nonstop sweetness & everything!

Work - Finally, This is really is it! is it!

Family, Gatherings & etc - Fun! Fun! Fun!

Thank You July! Although, binabagyo tayo! Okay lang yan. Pray lang tayo, di tayo papabayaan ni God. see you real soon!

(Source: roxannevillaos)


Reblog
Answered Prayer: Hello New World!

After 3 months of waiting finally, ito na. Ito na talaga! Hehee. Pinatawag na ko para mag start as a New Graphic Artist - Junior Executive. Ay ang saya ko lang! Ang sarap sa pakiramdam. Ang dami agad tumakbo sa isip ko.

  • Matutulungan ko na sila Mama at Papa - Madami dami na rin kaming gastusin sa bahay. Kuryente, Internet, Tubig, Baon ng mga kapatid, Pang araw araw na pagkain at kung ano ano pang expenses. It’s time na ako naman ang tumulong.
  • Luho - It’s time na ako naman ang gumastos sa luho ko, tutal ako rin naman ang makikinabang.
  • Gumala - Gusto kong makarating kahit saan. Ito kasi ang bagay na hindi ko masyadong nagawa dahil hindi naman ako ganun kadalas payagan. Siguro ngayon pwede na. Hehee.
  • Mag ipon - Maganda na yung may ipon, para handa sa kung ano man. Tulad ng mga biglaang gastos at kung ano ano pa.
  • Mag sipag - Since probation pa lang ako, gagawin ko lahat para mag excel ako sa bagay na gustong gusto ko. Alam kong kaya ko naman e. I can do this!
  • Gain Experiences - Ito na yun e, panibagong mundo ko na to. Syempre kelangan kong iexplore ko lahat para mas madami akong experience lalong lalo na sa trabahong papasukan ko. Gagalingan ko!

Sadyang malikot lang talaga ang utak ko lalo na pag na eexcite talaga ko. Iba talaga e. Kaya I’m so Blessed at Thankful ako kasi, natupad itong wish ko. Although may times talaga na mag gigive up na ko, pero di ko yun ginawa kasi alam kong kaya ko at andyan si God na naka gabay all the time. :)

Thanks be to God.

“I waited patiently for the LORD; and he inclined unto me, and heard my cry.” -Psalms 40:1

(Source: roxannevillaos)


Reblog

Call Me Maybe. More Fun in the Philippines.

Just for fun! Lol. Makiki-uso lang din. :P

(Source: roxannevillaos)


Reblog
Rain rain go away come again another day. Lol. Boredom do strikes.
Still waiting.. Grabe ang tagal nung ina-upload ko. Kanina ko pa inaantay, tapos ang dami pang KJ. Di ko tuloy matapos ginagawa ko, matagal ko ng plinano yun di ko pa rin matapos tapos. -.-
Ayos ba Varsity Jacket ko? Lol

Rain rain go away come again another day. Lol. Boredom do strikes.

Still waiting.. Grabe ang tagal nung ina-upload ko. Kanina ko pa inaantay, tapos ang dami pang KJ. Di ko tuloy matapos ginagawa ko, matagal ko ng plinano yun di ko pa rin matapos tapos. -.-

Ayos ba Varsity Jacket ko? Lol


Reblog
Maulan na gabi.

Ang lakas ng ulan, mukang may bagyo na naman. Sana umalis na yung bagyo, para iwas disgrasya. Tska para di nababasa yung paa ko pag matutulog, sira na kasi yung kisame sa kwarto.

Okay lang kaya sya? Miss ko na sya. Sana umuwi na sya. Nag aalala ako para sakanya, kasi naman kelangan sa malayo pa mag training. Hayyy! Pero ganun talaga, para rin naman sa ikabubuti ng lahat.

Magandang gabi nga pala sa inyong lahat. Kamusta kayo?

(Source: roxannevillaos)


Reblog
Done editing a music video. A music video? More Haha to that! HAHAHAA!!
Trip lang naman, uso e. Hahaha! Makikisama lang. Bukas ko na lang iupload, papahinga muna ako. Napagod masyado sa kaharutan! :)

Done editing a music video. A music video? More Haha to that! HAHAHAA!!

Trip lang naman, uso e. Hahaha! Makikisama lang. Bukas ko na lang iupload, papahinga muna ako. Napagod masyado sa kaharutan! :)


Reblog
Happy 3rd Year Anniversary.♥

Arlan♥,

Hi Yatot! Kamusta ka naman sa piling ko? :) Uhm. Happy 3rd Year Anniversary! I Love You! Heheee. ♥

RoxanneeArlan

Ito na talaga. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung pano ko sisimulan to. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo. Hindi ko kasi napaghandaan ito, tandaan mo na lang na.. ON THE SPOT to. Parang tayo, hindi natin napaghandaan na tatagal tayo ng ganito. Malay ba natin diba? Hehee. Mahal Kita.♥

Idaan ko na lang kaya sa kwento? Sana sipagin kang basahin ito, pahiram muna ng oras kahit ilang minuto lang ha? :) Para mapakilig man lang kita sa post kong ito.

Parang kailan lang nung magsimula tayo sa relasyon na to. Aminin man natin, hindi talaga tayo ganun magkakilala. As in Strangers talaga, tapos parang laro lang. Ganun pa man, nagkaroon tayo ng madaming oras at araw para lubos tayong magkakilala pa. Buti na lang at wala namang naging hadlang sa relasyon na to, pasalamat tayo kasi tanggap tayo ng pamilya natin maging ng mga kaibigan pa nga natin.

Umarangkada na nga buhay pag-ibig natin. Naging makulay pa ito sa dumaan na panahon, sympre andyan na yung tampuhan pero nauuwi rin naman sa pagkaka-ayos.

Sa dumaan na ngang panahon, dami na nating lugar na napuntahan. Mga pagkain na masasarap at syempre mga inuman. Haha! Buti na lang halos parehas tayo ng trip kaya madali tayong nagkakasundo.

Sa lumipas na panahon, halos di mo maiisip na ang dami na pala talaga nating napagdaanan. Sabi nga ni Dolphy, “Parang kailan lang..” Nakakatuwa at nakakataba ng Puso.♥

Teka, napapakwento na ko. Haha! Tinatamad ka na bang basahin? iloveyou! ♥

Alam naman nating dalawa na, bago tayo makarating sa araw na ito ay madalas tayong nag aaway. Madami na kasing kumumplikado, isa na dyan ang hindi natin pagkikita dahil sa busy tayo. Ikaw sa pagtatrabaho at ako naman ay para sa nalalapit ng pagtatrabaho. Hindi man ito maging katulad ng dati, alam kong mas tatatag tayo kasi para satin naman ang lahat ng ginagawa natin. Diba nga, bagong chapter na to, mas intense! Kita mo naman kahit nag aaway na tayo, di pa rin tayo bumitaw. :)

Nagpapasalamat ako sayo kasi andyan ka pa rin na kahit na madalas na ko tinotopak. Haha! Spolied Brat na nga ang dating e, pero di mo pa rin ako pinabayaan. Salamat po. Mahal na mahal po kita.♥

Medyo wala na kong maisip, itutuloy ko na lang ang kwento sa susunod na maraming taon. Maraming maraming taon. :)

Happy 3rd Year Anniversary Yatot. Mahal na Mahal po Kita. ♥

Nagmamahal,

Roxanne.♥

PS. Fries! Fries! Fries! ♥

(Source: roxannevillaos)


Reblog
Happy 3rd year Anniversary to the most amazing man I’ve ever known! Thank you for loving me, for me. I love you so much Arlan.
3 years down & forever to go! I cannot begin to imagine a life with out you in it. For the memories that we have created together could never compare to the touch that we share. I Love you so much. :)

Happy 3rd year Anniversary to the most amazing man I’ve ever known! Thank you for loving me, for me. I love you so much Arlan.

3 years down & forever to go! I cannot begin to imagine a life with out you in it. For the memories that we have created together could never compare to the touch that we share. I Love you so much. :)


Reblog
July 16, 2012

Medyo maulan ang araw na ito. Ayos naman kasi halos same routine lang din naman ang nagagawa ko sa araw araw na pamamalagi ko dito sa amin. Boring. Oo, ganun talaga. Sanayan lang, pwera na alng kung may mga taong nakakaaliw talaga.

Tulad ngayon, Si Bboy. Kakaloka, inaaning aning ako. Tapos kwentuhan lang kami. Nakaka aliw sya, kaya lang kita ko ang lungkot na nararanasan nya. Broken Hearted kasi sya.

Sisiw na Berde. Ewan ko ba kung bakit kinukulayan yung mga sisiw, nakakaawa. Pero nakaka aliw sa paningin ng mga bata. Tuwang tuwa si Janrex, pinapakaen nya at ginawan pa ng bahay. Aalagaan nya daw ito.

KZ.  Napakinggan ko ulit yung pag audition nya sa XFactor, naaliw talaga ko sa pagbago nya ng tono sa mga kanta nya. Ang galing talaga!

Salamat sa mga ito, kasi kahit papano naaliw pa rin ako. Higit sa lahat, Thankful ako for this day kasi safe kami lahat. :)

(Source: roxannevillaos)


Reblog

& I Love myself just the way I am. :)

Hello Tumblr friends! Let’s enjoy life, don’t look back on what happened; don’t think about the future.. just live for today. because, we might not make tomorrow.

(Source: roxannevillaos)


Reblog
Let's Fly More »
Athenability
Design by Athenability
Powered by Tumblr